Nakipag-usap na si Ms Vivian Velez sa pamunuan ng ABS-CBN para sa teleserye nila at mukhang 3 o 4 na araw na lang ang taping niya at magkakaroon siya ng graceful exit sa nasabing teleserye. Hindi na yate matatagal ni Vivian ang pambabastos na nangyari sa kanya, si Kristine lang daw talaga ang walang kontrol pero yung iba mga kasamahan niya ay wala naman daw siyang problema.Pati nga si Ara Mina nagsalita na rin, siempre Ate ito ni Ms Reyes ,na baka mis communication lang ang nangyari raw.Hindi naman daw pinaaalis ni Christine si Ms Vivian Velez sa dressing room at mis-intepret lang ang lahat na tinuran ng kapatid niya.
Magpre-pray daw si Ara na maayos ang gusot tungkol sa issue ng kapatid niya at kay Ms Vivian Velez ,Sa totoo lang daw nakausap na niya ang kapatid niya at itinanggi nga nito na ganon ang ginawa niya ,Hahayaan na lang daw ng Ate na si Cristine ang magsalita tungkol sa detalye na napag-usapan nila dahil baka lalo lang lunaki ang issue kung si Ara pa raw ang magsasalita.
Sa totoo lang hindi namin gaano napapanood ang nasabing teleserye dahil after lunch na ito naka-schedule sa TFC at ewan lang namin kung pinalalabas pa ito sa madaling araw.Pero ang napuna namin mas maraming netizens ang mas kampi kay Ms Body Beautiful kaysa kay Cristine,mas gusto pa nga ng Netizens ang tanggalin daw ay dapat yung kapatid ni Ara,dahil sa sobrang taray nito.Mas naniniwala raw ang Netizens sa sinasabi ni Vivian dahil na raw sa past na nangyari na nababalitaan nila about sa mga natarayan ni Cristine noon. Siguro kaya maraming pumapanig kay Vivian dahil si Cristine hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita.Siempre gusto rin natin malaman ang other side of the story.Abangan na lang natin kung anu ang susunod na kabanata pero para sa amin kailangan irespeto ang mga veteran artists ng mga bagong stars.Hindi namin tinitiyak na binastos nga ni Ms Reyes si Ms Velez dahil wala naman kami doon ang sa amin tungkol sa panggalang lalo na sa mga nakakatanda ay mahalaga.Bukas ang aming space para sa anumang pahayag ni Cristine Reyes.
No comments:
Post a Comment