Bumalik daw ang kulay ni Tita A at lumambot muli ang kanyang katawan pero sabi raw ng doktor nasa kritikal na kondisyon ito sa loob ng 2 oras.Kailangan daw bantayan si Angge dahil delikado talaga ang kalagayan niya.Pakiusap nga ni Sylvia Sanchez kailangan raw ng dasal ang nasabing talent manager.Mayron na palang history sa sakit sa puso si Tita A at mahigit 70 yrs old na siya.Sabi nga ni Sylvia kailangan niyang maging matapang at this point in time kasi nga daw halos ang mga kasama niya doon ay nag-iiyakan na." Dasal po ang kailangan ni Tita Angge,sana po ipagdasal natin siya dahil delikado ang susunod ng dalawang oras para sa kondisyon niya,"pagsalaysay pa ni Sylvia Sanchez.
Hanggang ngayon habang sinusulat namin ito ay nasa hospital pa rin sila at binabantayan nila ang talent manager.Naikwento rin ni Sylvia na hinawakan niya ang kamay ni Angge pero wala namang response ito.Sana po ang ipagdasal natin ang talent manager na si Angge para maka -recover siya sa kondisyon niya sa ngayon.
No comments:
Post a Comment