Thursday, March 10, 2016

KAMPO NI DUTERTE, SI GRACE POE NA NGAYON ANG BINABANATAN !!!

MARAMING NAKAKAPUNA NA SI SEN. GRACE POE NGAYON ANG BINABANATAN NG GRUPO NI MAYOR DUTERTE MATAPOS ANG ANNOUNCEMENT NA PUEDE NA TUMAKBO ANAK NI FERNANDO POE JR BILANG PRESIDENTE.Eto na yata ngayon ang trending hindi na sina Binay o Roxas ang laman ng page nila kundi si Sen. Grace Poe.


Paano ba naman nasa Top Presidential bet sa karamihang survery noon,wala pang resulta kung papanigan siya ng Supreme Court para tumakbo, e ngayon positive ang result lalo natakot ang mga kalaban niya.Maging ito si Pres. Auquino walang masamang sinasabi sa paglabas ng resulta ng kaso na isinampa ni Senadora Poe,iisipin mo pa na hindi ba siya lalong natakot dahil lalong mawawala ang pag-asa ng manok nila na si Mar Roxas para Presidente. Di ba kung natatandaan nyo ,mismong si Kris Aquino, si Grace Poe ang pambato niya bilang Presidente.Lumabas pa na siya raw ang sikretong pambato ni Pinoy na hindi naman namin pinaniniwalaan.May lumabas pa na isang video ng isang Atty, from San Beda na tinutugligsa ang positibong resulta ng kaso ni Grace sa Supreme Court, na parang hindi naman nagustuhan ng mga FilAm sa kanilang mga nadinig.


Kahit sa isang TV interview tanging si Duterte lang sa mga kandidato ang nagsalita ng negative dahil sa resulta ng kaso ni Sen Poe sa Supreme Court ,yung ibang kandidato ay dedma lang at tuloy ang kanilang kampanya tulad nina Binay ,Roxas, at Miriam.Dito kasi makikita na si Grace Poe ang magiging mahigpit na kalaban ni Mayor Duterte kahit anu pa ang sabihin nila.Kung napakalakas ni Duterte ay tiyak lalong lalakas pa si Grace Poe.Kahit nga yung lumang interview ni Sherly Cruz lumalabas na naman na hindi raw sang-ayon ang aktres sa pagtakbo ng maaga ng pinsan niya bilang Presidente.




Masyado ng mainit ang labanan sa pagka Presidente sa Pilipinas, pero natanong din si BongBong Marcos na kandidato bilang Vice President, wala naman itong negative ng reaction at nagsabi pa nga nito na handa niyang tulungan ang Sis niya.Hanggang saan kaya makakarating ang banat nila kay Poe hindi kaya lalo lang itong lumakas at simpatiya ng mga tao ay mapunta sa kanya na sana naman huwag ganon ang klaseng pagboto.Kailangan talaga ng kamay na bakal ang sistema sa Pilipinas dahil sa dami ng Corrupt.Sana makapili tayo na matapang talaga para ipagtanggol sambayanan sa corruption,hindi awa kungdi kung sino talaga ang may kakayahan..Tandaan nyo kamay na bakal ang kailangan natin sa ngayon, kung sino yung puwes itanong natin kay Miriam Defensor Santiago.

No comments: