Friday, March 25, 2016

JHONG HILARIO LEAVING "IT'S SHOWTIME" !!!

JHONG HILARIO LEAVING THE TV SHOW "IT'S SHOWTIME" FOR GOOD, BAKIT KAYA?Sa lastweek  episode ng "It's Showtime " noong March 23.Nagpaalam na ito, at nagpasalamat sa lahat dahil sa tinagal niya sa nasabing show.


Sab nga niya last wednesday sa nasabing show " Last Day ko na ngayon, mami-miss ko kayo.Gusto kong magpasalamat sa lahat.Thank you sa lahat,".So,marami ang nagtaka bakit kailangan magpaalam ang nasabing host and dancer ng show.May nakagalit ba ito o di kaya pinaalis na ba siya sa nasabing show tulad na nangyari sa ibang cast noon.Maraming nanghinayang sa pag-alis ni Jhong ,kahit paano mami-miss siya ng tagasubaybay .


Sa totoo lang hindi namin masyado napuna ang nasabi niyang pagpapaalam , doon pala namin na realize na nagpapaalam na pala si Jhong.eto pala ang ang dahilan kaya kailangan niyang mamaalam sa "Its Showtime". Tatakbo pala siya sa pulitika,He is running for councilor in Makati City para sa election this year May 2016.Ang tagal na rin ng host sa show, kung natatandaan nyo dati isa lang siya sa mga judge guest para sa talants compitition hanggang ginawa na rin siya main stay sa nasabing show.Siempre mas maganda kung sikat ka pa kung papasok ka sa pulitika para mas malaki ang chance na manalo kahit paano kilalang kilala ka ng mga tao.Goodluck na Jhong sa bago mong daigdig ng pulitika at iwan ang showbiz career.Goodluck and more power  Jhong Hilario !!!

Saturday, March 19, 2016

MARISSA DELGADO ,GRADUATED FROM UNIVERSITY OF VISAYAS !!!

MARISSA DELGADO GRADUATED FROM THE UNIVERSITY OF VISAYAS IN CEBU LAST FRIDAY.Sa wakas natapos rin ang Veteran Actress at age of 65 sa degree ng Business Administration Major in Human Resource Management na matagal na niyang dream.


Nakilala noon si Ms Marissa Delgado bilang isa sa mga pinakamagaling na kontrabida,kaya naman noon kapag tarayan at kontrabida role ,lagi natin siyang napapanood.Iba rin kasi ang dating niya sa screen na parang sina Celia Rodriguez at Cherry Gil din lalo na kung tataas na kilay niya .Pero ayon sa kanya ang pinaka dream niya na makatapos sa college  ay nagkatotoo na , ito ang pinaka achievement niya na halos hindi siya makapaniwala.High School lang kasi ang natapos niya at napasok na siya bilang artista sa movies noon kaya medyo hindi na siya nagkaroon ng time ipagpatuloy ang kanyang college education.


Napanood pa rin natin siya sa mga teleserye sa ABS-CBN na katatapos lang kamakailan sa nasabing channel.Natutuwa talaga siya sa kanyang latest achievement na sinuportahan ng kanyang family hanggang sa naka-graduate na siya.Iba din talaga ang feeling na nakatapos ka sa College, at kahit may edad na siya still nagpatuloy pa rin siya sa kanyang dream at naabot naman niya ito.Sana maging ehemplo si Marissa Delgado sa ibang seniors dyan na kahit may edad ,still nagpatuloy pa rin sa pag-aaral sa college,wala naman sa edad ang pag-aaral kung gugustuhin natin.Basta,Congratulations Po Ms Marissa Delgado !!!



Thursday, March 10, 2016

KAMPO NI DUTERTE, SI GRACE POE NA NGAYON ANG BINABANATAN !!!

MARAMING NAKAKAPUNA NA SI SEN. GRACE POE NGAYON ANG BINABANATAN NG GRUPO NI MAYOR DUTERTE MATAPOS ANG ANNOUNCEMENT NA PUEDE NA TUMAKBO ANAK NI FERNANDO POE JR BILANG PRESIDENTE.Eto na yata ngayon ang trending hindi na sina Binay o Roxas ang laman ng page nila kundi si Sen. Grace Poe.


Paano ba naman nasa Top Presidential bet sa karamihang survery noon,wala pang resulta kung papanigan siya ng Supreme Court para tumakbo, e ngayon positive ang result lalo natakot ang mga kalaban niya.Maging ito si Pres. Auquino walang masamang sinasabi sa paglabas ng resulta ng kaso na isinampa ni Senadora Poe,iisipin mo pa na hindi ba siya lalong natakot dahil lalong mawawala ang pag-asa ng manok nila na si Mar Roxas para Presidente. Di ba kung natatandaan nyo ,mismong si Kris Aquino, si Grace Poe ang pambato niya bilang Presidente.Lumabas pa na siya raw ang sikretong pambato ni Pinoy na hindi naman namin pinaniniwalaan.May lumabas pa na isang video ng isang Atty, from San Beda na tinutugligsa ang positibong resulta ng kaso ni Grace sa Supreme Court, na parang hindi naman nagustuhan ng mga FilAm sa kanilang mga nadinig.


Kahit sa isang TV interview tanging si Duterte lang sa mga kandidato ang nagsalita ng negative dahil sa resulta ng kaso ni Sen Poe sa Supreme Court ,yung ibang kandidato ay dedma lang at tuloy ang kanilang kampanya tulad nina Binay ,Roxas, at Miriam.Dito kasi makikita na si Grace Poe ang magiging mahigpit na kalaban ni Mayor Duterte kahit anu pa ang sabihin nila.Kung napakalakas ni Duterte ay tiyak lalong lalakas pa si Grace Poe.Kahit nga yung lumang interview ni Sherly Cruz lumalabas na naman na hindi raw sang-ayon ang aktres sa pagtakbo ng maaga ng pinsan niya bilang Presidente.




Masyado ng mainit ang labanan sa pagka Presidente sa Pilipinas, pero natanong din si BongBong Marcos na kandidato bilang Vice President, wala naman itong negative ng reaction at nagsabi pa nga nito na handa niyang tulungan ang Sis niya.Hanggang saan kaya makakarating ang banat nila kay Poe hindi kaya lalo lang itong lumakas at simpatiya ng mga tao ay mapunta sa kanya na sana naman huwag ganon ang klaseng pagboto.Kailangan talaga ng kamay na bakal ang sistema sa Pilipinas dahil sa dami ng Corrupt.Sana makapili tayo na matapang talaga para ipagtanggol sambayanan sa corruption,hindi awa kungdi kung sino talaga ang may kakayahan..Tandaan nyo kamay na bakal ang kailangan natin sa ngayon, kung sino yung puwes itanong natin kay Miriam Defensor Santiago.

Monday, March 7, 2016

NETIZENS MAS KAMPI KAY VIVIAN VELEZ KAYSA KAY CRISTINE REYES !!!

BAKIT KAYA MAS MARAMING NETIZENS ANG MAS KAMPI  KAY VETERAN ACTRESS VIVIAN VELEZ KAYSA KAY CRISTINE REYES ? Tuloy pa rin ang irrevocable resignation ni Ms Body Beautiful Vivian Velez para sa teleserye nilang Langis at Tubig, dahil diumano sa  pangbabastos ng mas batang aktres na si Cristine Reyes.Ang pambabastos raw na ginawa ng kapatid ni Ara Mina ay pagpapaalis kay Ms Velez sa isang room na pahingahan nila,kaso matutulog yata si Kristine kaya raw nagtatalak ito na hindi naman nagustuhan ng Veteran Actress.


Nakipag-usap na si Ms Vivian Velez sa pamunuan ng ABS-CBN para sa teleserye nila at mukhang 3 o 4 na araw na lang  ang taping niya at magkakaroon siya ng graceful exit sa nasabing teleserye. Hindi na yate matatagal ni Vivian ang pambabastos na nangyari sa kanya, si Kristine lang daw talaga ang walang kontrol pero yung iba mga kasamahan niya ay wala naman daw siyang problema.Pati nga si Ara Mina nagsalita na rin, siempre Ate ito ni Ms Reyes ,na baka mis communication lang ang nangyari raw.Hindi naman daw pinaaalis ni Christine si Ms Vivian Velez sa dressing  room at mis-intepret lang ang lahat na tinuran ng kapatid niya.


Magpre-pray daw si Ara na maayos ang gusot tungkol sa issue ng kapatid niya at kay Ms Vivian Velez ,Sa totoo lang daw nakausap na niya ang kapatid niya at itinanggi nga nito na ganon ang ginawa niya ,Hahayaan na lang daw ng Ate na si Cristine ang magsalita tungkol sa detalye na napag-usapan nila dahil baka lalo lang lunaki ang issue kung si Ara pa raw  ang magsasalita.

Sa totoo lang hindi namin gaano napapanood ang nasabing teleserye dahil after lunch na ito naka-schedule sa TFC at ewan lang namin kung pinalalabas pa ito sa madaling araw.Pero ang napuna namin mas maraming netizens ang mas kampi kay Ms Body Beautiful kaysa kay Cristine,mas gusto pa nga ng Netizens ang tanggalin daw ay dapat yung kapatid ni Ara,dahil sa sobrang taray nito.Mas naniniwala raw ang Netizens sa sinasabi ni Vivian dahil na raw sa past na nangyari na nababalitaan nila about sa mga natarayan ni Cristine noon. Siguro kaya maraming pumapanig kay Vivian dahil si Cristine hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita.Siempre gusto rin natin malaman ang other side of the story.Abangan na lang natin kung anu ang susunod na kabanata pero para sa amin kailangan irespeto ang mga veteran artists ng mga bagong stars.Hindi namin tinitiyak na binastos nga ni Ms Reyes  si Ms Velez dahil wala naman kami doon ang sa amin tungkol sa panggalang lalo na sa mga nakakatanda ay mahalaga.Bukas ang aming space para sa anumang pahayag ni Cristine Reyes.

Saturday, March 5, 2016

NASA CRITICAL CONDITION NGAYON ANG TALENT MANAGER TITA ANGGE !!!

ISINUGOD DAW SA CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER SA SAN JUAN ANG TALENT MANAGER NA SI TITA ANGGE.AYON KAY SYLVIA SANCHEZ tinawagan daw siya ng anak ni Angge( na ang tunay na pangalan ay Cornelia Lee) dahil sa nahirapan daw ito huminga o chess pain habang nanonood sila ng sine.Dahil malapit lang ang aktress doon kaya napasugod siya doon, dumating raw si angge dead on arrival pere na-revive pa ito after 15 minutes. " Matigas na nga siya na isinugod doon at halos ang mga tao roon ay nag-iiyakan na  pero sa awa ng diyos na revive din siya after 15 minutes," dagdag pa ng aktres.


Bumalik daw ang kulay ni Tita A at lumambot muli ang kanyang katawan pero sabi raw ng doktor nasa kritikal na kondisyon ito  sa loob ng 2 oras.Kailangan daw bantayan si Angge dahil delikado talaga ang kalagayan niya.Pakiusap nga ni Sylvia Sanchez kailangan raw ng dasal ang nasabing talent manager.Mayron na palang history sa sakit sa puso si Tita A at mahigit 70 yrs old na siya.Sabi nga ni Sylvia kailangan niyang maging matapang at this point in time kasi nga daw halos ang mga kasama niya doon ay nag-iiyakan na." Dasal po ang kailangan ni Tita Angge,sana po ipagdasal natin siya dahil delikado ang susunod ng dalawang oras para sa kondisyon niya,"pagsalaysay pa ni Sylvia Sanchez.


Hanggang ngayon habang sinusulat namin ito ay nasa hospital pa rin sila at binabantayan nila ang talent manager.Naikwento rin ni Sylvia na hinawakan niya ang kamay ni Angge pero wala namang response ito.Sana po ang ipagdasal natin ang talent manager na si Angge para maka -recover siya sa kondisyon niya sa ngayon.

NAGPARAMDAM RAW SI DIREK WENN DERAMAS KAY VICE GANDA !!!

NOONG EULOGY PARA KAY DIREK WENN DERAMAS ,NAI-KWENTO VICE GANDA  NA PARANG NAGPARAMDAM ANG NAMAYAPANG BLOCKBUSTER SA KANYA.Ganito ang kanyang naging kwento, si Regine Velasquez pala ang pinaka-favorite singer ni Direk kaya naman nagpatutog ng ilang songs si Vice halos magmamadaling araw na ito kaya noong bandang 1am na halos sila na lang ang tao.Tinanong ni Vice Ganda kung ilang araw ba tumatagal ang kaluluwa ng isang namayapang tao.Tatlong araw daw sabi nang kausap ng star of "Showtime".

Kaya nag-isip si Vice kung saan na kaya si Direk, naitanong niya tuloy mismo doon " Saan ka na Direk" biglang nagulat sila at isang kanta ni Regine Velasquez ang sumagot sa tanong niya.'Narito Ako' nagulat raw sila  at  yung ang song na yun ang nakasalang. Pagkatapos medyo namatay sindi pa ang ilaw.Kaya halos natulala raw sila ng mga kasama niya, pero yung ilaw pala kaya nagkaganon ay inaayos ng isa sa mga tao roon pero ang ipinagtataka niya bakit yung ' Narito Ako' ang tumugtog.


Naikwento rin ni Vice na pauwi na siya at para magpahinga,sabi niya kay Direk "Wag nyo akong susundan at uuwi muna ako sa bahay" biglang tumugtog ang na "Maghinhintay ako Sa yo" kaya na-shock si Vice feeling niya nagpaparamdam ang namayapang direktor sa kanya. Samantalang, nasa ABS-CBN na ang burol ni Direk mismo sa Dolphy Theatre at habang sinusulat namin ito tiyak maraming celebrities ang makikiramay doon.Sa linggo ang libing ni Direk sa Himlayang Filipino kasama rin ang namatay na kapatid ni Direk.Doon pala nakalibing ang kanilang ina , at tiyak bukas ang pinakamalungkot na araw para sa showbiz sa pagkawala ng isang Box Office Direktor.Basta kami nakikiramay kami sa mga kaibigan at pamilya ni Direk Wenn Deramas , hindi po namin kayo malilimutan Direk na minsan naming naka one on one interview  sa aming radio show na "Showbiz Watcher" .Paalam Direk Wenn Deramas.

Friday, March 4, 2016

MANNY PACQUIAO HUMINA SA SENATORIAL SURVEY ,NAKARMA RAW .

DAHIL SA ANTI GAY COMMENTS NI PAMBANSANG KAMAO MANNY PACQUIAO ,NAWALA SIYA SA TOP 12 NG SENATORIAL RACE SURVEY NG PULSE ASIA  SURVEY FROM FEB. 15 TO FEB. 20,2016.Dati rati raw ay nasa top 8th or 9th position  si Pacman,kaya lang nang magsalita ito na "Masahol Pa Sa Hayop Ang Bading" doon nagkaroon ng pagbabago , at ayon sa isang bading na nakausap namin nakarma raw ang Manny.

Kung natatandaan nyo pati si Boy Abunda ay nagsalita rin at tinanong siya kung sino siya para tawagin ang mga Bakla na Masahol Pa Sa Hayop.Siempre hindi rin siya nakaligtas kay Vice Ganda , at diretsahang sinabi ng star ng Showtime na hindi niya iboboto ang Pambansang Kamao dahil kulang kaalamanan nito para gumawa ng batas.Naging worldwide din ang pagtuligsa kay Manny maging ang ilang International Celebrities ay hindi sinang-ayunan ang sinabi ni Pacman.Maging si Ms Lea Salonga ipinagtanggol ang LGBT at nag-tweet ito na ilang beses laban sa mga comments na tinuran ng Pambansang kamao.

Narito ang Pulse Asia's Survey Feb 15 to Feb 20
The senatorial bets who topped Pulse Asia’s February 2016 survey are:
1) Tito Sotto (63.6 percent)
2) Ping Lacson (60.2 percent)
3) Kiko Pangilinan (54.1 percent)
4) Raph Recto (53.4 percent)
5) Frank Drilon (52.4 percent)
6) Migz Zubiri (48.5 percent)
7) Leila de Lima (93 percent)
8) Serge Osmena (43.7 percent)
9) Dick Gordon (42.6 percent)
10) Win Gatchalian (41.2 percent)
11) Joel Villanueva (39.1 percent)
12) TG Guingona (36.7 percent)
13) Risa Hontiveros (34.8 percent)