MGA TAGA-SAN DIEGO SA GAWAD AMERIKA
!!!
By Ogie Cruz
TAGUMPAY NA
NAIDAOS ang 14th Gawad Amerika Awards Night
last Nov.7,2015 na ginanap sa Celebrity Centre International Hollywood.
The Showbiz Watcher with Rose Fostanes & Liza Javier |
Siempre maraming
taga San Diego ang tumanggap ng awards at sumugod pa sa Hollywood para
tanggapin nila ang kanilang recognition.Nangunguna na ang Radyo Filipino
Amerika bilang Most Outstanding Radio Station of the year na pag-aari ni Atty.
Erwin Bautista at Lu Baustista,hindi rin padadaig ang Phil. Mabuhay News na
nakatamo ng “Most Outstanding Broadsheet
/Newspaper of the Year 2015”, Dumating din si Ms Katrina Benfer ng Megaworld
International para tanggapin niya ang kanyang Most Outstanding Entrepreneur of
the Year ,Si Alessja Morales naman ang tumanggap ng Female Entertainer of the
Year at sa mga susunod ng aming column
mention din namin ang mga names nila.
Gawad Awardees Katrina Benfer & Alessja Morales |
Dumating din
si Boy Abunda na siyang tumanggap ng Lifetime Achievement Award,medyo marami
lang ang nadismaya sa kanya dahil late na raw dumating at pagkatapos tumanggap
ng award biglang alis nito.Siempre marami ang nag-antay sa kanya para makita
siya at makasama sa picture,ang problema umalis kaagad na hindi pa tapos ang
award ceremony.Sabi nga namin baka may iba pa siyang lakad kaya nagmamadali
,kahit kami ni hindi namin siya nakausap dahil hindi pa tapos ang awarding
kailangan nasa loob kami ng Awards Night.Siguro kailangan makarating ito sa
kampo ng kuya Boy na marami ang sumama ang loob sa kanya na taga San Diego at
Los Angeles.
Lifetime Achievement Award for Mr Boy Abunda |
Isa rin na
ikinatuwa namin ang pagdating na aming kaibigan na Grand Champion ng X Factor
Israel na si Rose”Osang “ Fostanes kasama ang kanyang manager na si Netally
Schlosser,yes galing pa sila sa Israel.Tinanggap niya ang Global Entertainer of
the Year sa nasabing event.First time din namin nakita in person ang nasabing
personalidad,kaya lang hindi natupad nito ang pangako niya na pagpunta sa radio
station ng Radyo Filipino Amerika sa National City.
Atty Erwin Bautista of Radyo Filipino Amerika |
Ms Osang Fostanes with the showbiz watcher host Merlin Reeves |
Dumating din
si Mitoy Monting, at talaga namang marami siyang napahanga sa galing niya sa
pagkanta ,palakpakan ang mga tao roon.Nakita rin namin si Leila Hermosa na
halatang pigil na sa sama ng loob na naranasan niya ,lalo na sa presscon ng
Gawad Amerika.Nakamayan din namin si Ms Norma Ledesma na hanggang sa ngayon ay
hindi pa rin kumukupas ang ganda.
Raja Soliman Award for Mitoy Monting |
Umaten din
si Richard Bonnin na galing pa sa ibang parte ng California,kasama ang kanyang
asawa.Sabi nga ng ibang nakakita sa actor,yung tikas ng actor nandun pa rin.
Showbiz Watcher with Richard Bonnin |
Nakahabol
din si Raul Aragon, para matanggap niya ang kanyang award ,kaya lang hindi kami
nagkaroon ng pagkakataon para mainterbyu namin siya.Ang hindi dumating ay si
Edgar Mande, na hindi namin alam kung anu ang kanyang naging problema.Si Silvia
Sanchez naman ay naging sentimental nang tinanggap niya ang kanyang award.
The Gaward Amerika Awardees Dra. Winah Bautista,Merlita Mallinkcrodt |
Gawad Awardees Rowena Bartolome & Liza Javier |
Sobrang dami
ng tao kaya tuloy yung ibang VIP seats ay hindi na natupad dahil mukhang kulang
ang mga silya.Humihingi kami ng despensa sa ibang kasamahan ng mga awardees na
nanatiling nakatayo.Yan ang sabi ni Dr.
Winah Bautista.Nakita rin namin ang aming kaibigan doon na si Ms Emma Cordero na isa ring Gawad Amerika Awardee.
Gawad Amerika Awardee Ms Emma Cordero |
Dumating din
from Osaka Japan si Ms. Liza Javier na
siyang nagtamo ng Most Outstanding Internet Broadcaster of the Year.Nanatili
siyang tumira sa isang kaibigan sa San Diego kaya naman marami siya naatenan na
mga event dito San Diego at Los Angeles.Kaya lang may reklamo si Dj Liza
tungkol sa kanyang natanggap ng papel,mas feel daw niya ang isang throphy pero sabi nga ni Mr Alfredo Yumul,magpapagawa
raw siya ng throphy para sa mga taga-San Diego na awardees.Mabuti naman ang
ganon ang naisip ni Kuya Alfred at least makabawi naman tayo sa galing nga mga
taga-San Diego.Basta po ,humihingi kami ng despensa dahil sa San Diego na hindi
nakapagsalita sa kanilang acceptance speech.Hindi kasi namin control ang ibang
pangyayari pati ang program ng award ceremony.
Pres. Charles Simbulan, Ms Leila Hermosa & Rowena Bartolome |
Receiving the Award for Atty Arnedo Valera ,Ms Elizabeth Valera |
MITOY
YONTING,VISITED RADYO FILIPINO AMERIKA !!!
Dumating ng
in person si Mitoy Yonting, dahil na rin sa invitation namin sa kanya.Nagluto yung aming co-host na si
Merlin Reeves, ang palabok na favorite ni Mitoy.Nasabi pa niya ang kare-kare,
kaya naman tiyak lumusog si Mitoy.
Mitoy Yonting with RFA Broadcasters |
Naghanda
kami ng presscon doon sa Showbiz Watcher Radio Show with Mitoy,although hindi
ganon kalaki ang dumating at least nandun kami bilng Radyo Filipino
Amerika.Down to earth si Mitoy,ayon sa kanya hindi raw siya nakikipag-away sa
showbiz ,bawal daw yun at walang masamang tinapay para sa kanya.
Mitoy Yonting Inteviewed by Liza and Merlin (RFA Broadcasters) |
Tinanong din
namin si Mitoy kung sino sa mga Filipino Singer na masasabing hinahangaan
niya.Walang kagatol-gatol na sinabi niyang si Gary Valenciano.Basta maraming
salamat Mitoy sa pagdating mo sa aming istasyon,sana hindi ito ang maging huli.
No comments:
Post a Comment