INAWIT ANG MOVIE THEME SONG NILA NI GABBY:
BAKIT TUMULO
ANG LUHA NG MEGASTAR?
By Ogie Cruz
Marami ang nakasaksi sa pagtulo ng luha ng Megastar habang
inaawit niya ang movie theme song ng “Tayong Dalawa” isang film ng pinagsamahan
nila ni Gabby Concepcion.Nangyari ito ng mag-concert si Sharon Cuneta last Nov
22,2015 sa Grove of Anaheim.
Aminado naman ang Megastar na naging emotional siya nang
matapos niyang awitin ang nasabing movie theme song,uminom pa nga siya ng
tubig,dagdag pa nga ni Sharon naging close
friend daw sila ng dati niyang asawa habang ginagawa nila ang movie.Isa
raw ito sa best movie na pinagsamahan nila ni Gabby,dahil nang gawin nila ito
ay matagal na silang magkahiwalay at hindi nagkikita.Bago niya simulan kantahin
ang song, naglitanya muna ang Megastar ng ganito “When we did this movie we
were very close friend and we have been separated already for several years and
all of sudden become very close, and I thought….we both thought then he met someone
else.Nakakadalawang sibak na ito,”sabi pa ng Megastar.
Kung titingin daw tayo sa nakalipas, siguro raw kung
nag-succeed daw ang marriage nila noon, it could save daw a lot of tears and heartaches. “ I would have more
KC’s but I have wonderful husband now we
will have been marriage 20 yrs on April.We have four children,” sabi pa ni Sharon Cuneta.Samantalang si Gabby raw ay may sarili na ring pamilya.The
other night daw naisip niya bakit ngayon ok naman ang samahan nila ng asawa
niya ngayon at si Gabby sa kasama naman niya ,ok din.Nagiging emotional daw
siya at natanong ang god at kung bakit hindi naging nag-succeed ang
marriage noon nila ni Gabby.Inihandog ni Sharon ang kanta for you
(without mentioning the name of Gabby) pero alam na ng tao yun.
Naluha talaga ang Megastar pero siempre pabiro niya ito
sinabi sa audience,pero parang naiba yata ang line ng song sa bandang huli at
sinabi pinatatawad na kita.Dapat madinig ni Gabby Concepcion ang song na ito na
nasa youtube ngayon titled “Sharon Cuneta at Anaheim” by showbiz reporter.
Matagal na namin hindi nakikita in person si Sharon more than
8 yrs na, kaya nang makita namin siya dito at nag-concert sa Anaheim nagmistula
kaming sharonian,na hindi naman talaga.Isang Megastar kasi ang nag-concert dito
sa Amerika,isang Superstar sa Phil
Movies kaya siguro ganon na lang ang naging reaksyon namin maging ang maraming
audience doon na minsan lang mangyari at hindi parati.
Naisip nga namin kahit si Gov . Vilma Santos ang mag-concert
dito tiyak, dudumugin ng tao kahit sabihin mong hindi maganda ang boses nito,
dahil sa naging Movie Queen ito ng Phil. Cinema tiyak papatok ito sa Amerika.
Hindi naman kasi madali na maging Movie Queen ng Phil Cinema,history na
‘yun.Ganyan din kay Superstar Nora Aunor o kaya si Diamond Star na si Maricel
Soriano.Sana may makaisip na producer kunin sina Vilma at Maricel na dalin dito
sa Amerika para mag-concert, si Nora nagkaroon na siya dito noon.
Big success ang nasabing concert ni Sharon “Sharon Sings
Valera”,marami pa rin siyang tagahanga kahit sabihin pa na lumobo ng husto ang
figure ni Ms. Cuneta.Marami nga ang shock sa pictures na kuha namin sa naturang
concert at nai-post sa facebook. Comment ng mga FB Friends ko from the
Philippines ang taba na raw ni Sharon,matagal na palang hindi nagpapakita sa TV
sa Pilipinas ang Megastar at ngayon lang nila
muli nakita dahil sa nai-post namin na video at pictures.
·
Sharon na Sharon
pa rin ang boses ng Megastar kaya naman nag-enjoy ang maraming audience na
nandun,kasama rin sa concert sina Rey Valera at Fe De Los Reyes,nagkaroon rin
ng special appearance si KC Concepcion.Maganda ang show,cute mag-concert ang
Megastar at maging siya ay humahagapak ng tawa sa ginagawa niya.Sabi pa nga
niya , nasasapian na raw siya dahil sa katatawa niya habang
nagko-concert.Congratulations pala sa producers ng show kina Gerry & Faith
Bayona,Vic Perez of V Entertainment at John Sacramento & Dana Singson of
Kabayan.Sila yung nag-invite sa amin para mapanood ang “Sharon Sings
Valera”.Hanggang sa susunod yung concerts ,invite nyo kami ulit.
BEAUTIFUL LIFE CELEBRATION, AWARDING CEREMONY A BIG
SUCCESS !!!Nasaksihan din namin ang very successful award ceremony ng Beautiful
Life Celebration na ang nag-invite sa amin ay sina Ms Sonia Bermejo at Monet
Lu. Marami na dumating na awardees isa na nga dito sa Ms Vina Nacionales at na
napakabait na tao.Dumating din at nag-crown ang America’s Favorite
Dermatologist na si Dr. Tess Mauricio kasama rin na awardee si Dr James Lee.
Man of the Year naman si Mr Nino Lim , owner ng Pacific Islander Market kasama
ang dating actress na si Ms Krista Ranillo.
First time lang namin na makita si Krista in person at
very accommodating siya, at pinayagan kami na mainterbyu namin siya at hindi
lang yan.Naging guest pa namin siya sa aming radio show sa Radyo Filipino
Amerika para sa One on One Interview namin sa kanya.Matagal na rin na hindi
siya nakikita sa Pilipinas at lumalabas sa TV or Movie kaya nang makita ng mga
ka-facebook namin sa Pilipinas ang mukha ni Krista ,gandang-ganda pa rin sila
dito.
Matagal din namin siya nakausap sa aming radio show,
mahigit 30 minutes na panayam namin sa kanya, at wala siyang arte sinagot lahat
ang aming questions pero sa susunod na naming column ibabalita ang mga ibinato
naming tanong sa kanya.Sa Omni Hotel sa Los Angeles ginawa ang event ,glamoroso
talaga ang affair at congratulations din sa mga organizers.
No comments:
Post a Comment