Tuesday, December 1, 2015

MGA TAGA-SAN DIEGO SA GAWAD AMERIKA !!!
By Ogie Cruz
TAGUMPAY NA NAIDAOS  ang  14th Gawad Amerika Awards Night last Nov.7,2015 na ginanap sa Celebrity Centre International Hollywood.

The Showbiz Watcher with Rose Fostanes & Liza Javier


Siempre maraming taga San Diego ang tumanggap ng awards at sumugod pa sa Hollywood para tanggapin nila ang kanilang recognition.Nangunguna na ang Radyo Filipino Amerika bilang Most Outstanding Radio Station of the year na pag-aari ni Atty. Erwin Bautista at Lu Baustista,hindi rin padadaig ang Phil. Mabuhay News na nakatamo ng “Most Outstanding  Broadsheet /Newspaper of the Year 2015”, Dumating din si Ms Katrina Benfer ng Megaworld International para tanggapin niya ang kanyang Most Outstanding Entrepreneur of the Year ,Si Alessja Morales naman ang tumanggap ng Female Entertainer of the Year at sa mga susunod ng  aming column mention din namin ang mga names nila.


Gawad Awardees Katrina Benfer & Alessja Morales
Dumating din si Boy Abunda na siyang tumanggap ng Lifetime Achievement Award,medyo marami lang ang nadismaya sa kanya dahil late na raw dumating at pagkatapos tumanggap ng award biglang alis nito.Siempre marami ang nag-antay sa kanya para makita siya at makasama sa picture,ang problema umalis kaagad na hindi pa tapos ang award ceremony.Sabi nga namin baka may iba pa siyang lakad kaya nagmamadali ,kahit kami ni hindi namin siya nakausap dahil hindi pa tapos ang awarding kailangan nasa loob kami ng Awards Night.Siguro kailangan makarating ito sa kampo ng kuya Boy na marami ang sumama ang loob sa kanya na taga San Diego at Los Angeles.


Lifetime Achievement  Award for Mr Boy Abunda 
Isa rin na ikinatuwa namin ang pagdating na aming kaibigan na Grand Champion ng X Factor Israel na si Rose”Osang “ Fostanes kasama ang kanyang manager na si Netally Schlosser,yes galing pa sila sa Israel.Tinanggap niya ang Global Entertainer of the Year sa nasabing event.First time din namin nakita in person ang nasabing personalidad,kaya lang hindi natupad nito ang pangako niya na pagpunta sa radio station ng Radyo Filipino Amerika sa National City.
Atty Erwin Bautista of Radyo Filipino Amerika

Ms Osang Fostanes with the showbiz watcher host Merlin Reeves

Dumating din si Mitoy Monting, at talaga namang marami siyang napahanga sa galing niya sa pagkanta ,palakpakan ang mga tao roon.Nakita rin namin si Leila Hermosa na halatang pigil na sa sama ng loob na naranasan niya ,lalo na sa presscon ng Gawad Amerika.Nakamayan din namin si Ms Norma Ledesma na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang ganda.


Raja Soliman Award for Mitoy Monting
Umaten din si Richard Bonnin na galing pa sa ibang parte ng California,kasama ang kanyang asawa.Sabi nga ng ibang nakakita sa actor,yung tikas ng actor nandun pa rin.

Showbiz Watcher with Richard Bonnin
Nakahabol din si Raul Aragon, para matanggap niya ang kanyang award ,kaya lang hindi kami nagkaroon ng pagkakataon para mainterbyu namin siya.Ang hindi dumating ay si Edgar Mande, na hindi namin alam kung anu ang kanyang naging problema.Si Silvia Sanchez naman ay naging sentimental nang tinanggap niya ang kanyang award. 

The Gaward Amerika Awardees Dra. Winah Bautista,Merlita Mallinkcrodt

Gawad Awardees Rowena Bartolome & Liza Javier

Sobrang dami ng tao kaya tuloy yung ibang VIP seats ay hindi na natupad dahil mukhang kulang ang mga silya.Humihingi kami ng despensa sa ibang kasamahan ng mga awardees na nanatiling nakatayo.Yan ang sabi ni Dr.  Winah Bautista.Nakita rin namin ang aming kaibigan doon na si Ms Emma Cordero na isa ring Gawad Amerika Awardee.

Gawad Amerika Awardee Ms Emma Cordero


Dumating din from Osaka Japan  si Ms. Liza Javier na siyang nagtamo ng Most Outstanding Internet Broadcaster of the Year.Nanatili siyang tumira sa isang kaibigan sa San Diego kaya naman marami siya naatenan na mga event dito San Diego at Los Angeles.Kaya lang may reklamo si Dj Liza tungkol sa kanyang natanggap ng papel,mas feel daw niya ang isang throphy  pero sabi nga ni Mr Alfredo Yumul,magpapagawa raw siya ng throphy para sa mga taga-San Diego na awardees.Mabuti naman ang ganon ang naisip ni Kuya Alfred at least makabawi naman tayo sa galing nga mga taga-San Diego.Basta po ,humihingi kami ng despensa dahil sa San Diego na hindi nakapagsalita sa kanilang acceptance speech.Hindi kasi namin control ang ibang pangyayari pati ang program ng award ceremony.

Pres. Charles Simbulan, Ms Leila Hermosa & Rowena Bartolome
Receiving the Award for Atty Arnedo Valera ,Ms Elizabeth Valera


MITOY YONTING,VISITED RADYO FILIPINO AMERIKA !!!
Dumating ng in person si Mitoy Yonting, dahil na rin sa invitation namin  sa kanya.Nagluto yung aming co-host na si Merlin Reeves, ang palabok na favorite ni Mitoy.Nasabi pa niya ang kare-kare, kaya naman tiyak lumusog si Mitoy.


Mitoy Yonting with RFA Broadcasters
Naghanda kami ng presscon doon sa Showbiz Watcher Radio Show with Mitoy,although hindi ganon kalaki ang dumating at least nandun kami bilng Radyo Filipino Amerika.Down to earth si Mitoy,ayon sa kanya hindi raw siya nakikipag-away sa showbiz ,bawal daw yun at walang masamang tinapay para sa kanya.


Mitoy Yonting Inteviewed by Liza and Merlin (RFA Broadcasters)

Tinanong din namin si Mitoy kung sino sa mga Filipino Singer na masasabing hinahangaan niya.Walang kagatol-gatol na sinabi niyang si Gary Valenciano.Basta maraming salamat Mitoy sa pagdating mo sa aming istasyon,sana hindi ito ang maging huli.

Monday, November 30, 2015

INAWIT ANG MOVIE THEME SONG NILA NI GABBY:

        BAKIT TUMULO ANG LUHA NG MEGASTAR?
                                   By Ogie Cruz


















Marami ang nakasaksi sa pagtulo ng luha ng Megastar habang inaawit niya ang movie theme song ng “Tayong Dalawa” isang film ng pinagsamahan nila ni Gabby Concepcion.Nangyari ito ng mag-concert si Sharon Cuneta last Nov 22,2015 sa Grove of Anaheim.

Aminado naman ang Megastar na naging emotional siya nang matapos niyang awitin ang nasabing movie theme song,uminom pa nga siya ng tubig,dagdag pa nga ni Sharon naging close  friend daw sila ng dati niyang asawa habang ginagawa nila ang movie.Isa raw ito sa best movie na pinagsamahan nila ni Gabby,dahil nang gawin nila ito ay matagal na silang magkahiwalay at hindi nagkikita.Bago niya simulan kantahin ang song, naglitanya muna ang Megastar ng ganito “When we did this movie we were very close friend and we have been separated already for several years and all of sudden become very close, and I thought….we both thought then he met someone else.Nakakadalawang sibak na ito,”sabi pa ng Megastar.

Kung titingin daw tayo sa nakalipas, siguro raw kung nag-succeed daw ang marriage nila noon, it could save daw a lot of  tears and heartaches. “ I would have more KC’s  but I have wonderful husband now we will have been marriage 20 yrs on April.We have four children,” sabi  pa ni Sharon Cuneta.Samantalang  si Gabby raw ay may sarili na ring pamilya.The other night daw naisip niya bakit ngayon ok naman ang samahan nila ng asawa niya ngayon at si Gabby sa kasama naman niya ,ok din.Nagiging emotional daw siya at natanong ang god at kung bakit hindi naging nag-succeed  ang  marriage noon nila ni Gabby.Inihandog ni Sharon ang kanta for you (without mentioning the name of Gabby) pero alam na ng tao yun.



Naluha talaga ang Megastar pero siempre pabiro niya ito sinabi sa audience,pero parang naiba yata ang line ng song sa bandang huli at sinabi pinatatawad na kita.Dapat madinig ni Gabby Concepcion ang song na ito na nasa youtube ngayon titled “Sharon Cuneta at Anaheim” by showbiz reporter.

Matagal na namin hindi nakikita in person si Sharon more than 8 yrs na, kaya nang makita namin siya dito at nag-concert sa Anaheim nagmistula kaming sharonian,na hindi naman talaga.Isang Megastar kasi ang nag-concert dito sa Amerika,isang Superstar  sa Phil Movies kaya siguro ganon na lang ang naging reaksyon namin maging ang maraming audience doon na minsan lang mangyari at hindi parati.
Naisip nga namin kahit si Gov . Vilma Santos ang mag-concert dito tiyak, dudumugin ng tao kahit sabihin mong hindi maganda ang boses nito, dahil sa naging Movie Queen ito ng Phil. Cinema tiyak papatok ito sa Amerika. Hindi naman kasi madali na maging Movie Queen ng Phil Cinema,history na ‘yun.Ganyan din kay Superstar Nora Aunor o kaya si Diamond Star na si Maricel Soriano.Sana may makaisip na producer kunin sina Vilma at Maricel na dalin dito sa Amerika para mag-concert, si Nora nagkaroon na siya dito noon.

Big success ang nasabing concert ni Sharon “Sharon Sings Valera”,marami pa rin siyang tagahanga kahit sabihin pa na lumobo ng husto ang figure ni Ms. Cuneta.Marami nga ang shock sa pictures na kuha namin sa naturang concert at nai-post sa facebook. Comment ng mga FB Friends ko from the Philippines ang taba na raw ni Sharon,matagal na palang hindi nagpapakita sa TV sa Pilipinas ang Megastar at ngayon lang nila
muli nakita dahil sa nai-post namin na video at pictures.



·         Sharon na Sharon pa rin ang boses ng Megastar kaya naman nag-enjoy ang maraming audience na nandun,kasama rin sa concert sina Rey Valera at Fe De Los Reyes,nagkaroon rin ng special appearance si KC Concepcion.Maganda ang show,cute mag-concert ang Megastar at maging siya ay humahagapak ng tawa sa ginagawa niya.Sabi pa nga niya , nasasapian na raw siya dahil sa katatawa niya habang nagko-concert.Congratulations pala sa producers ng show kina Gerry & Faith Bayona,Vic Perez of V Entertainment at John Sacramento & Dana Singson of Kabayan.Sila yung nag-invite sa amin para mapanood ang “Sharon Sings Valera”.Hanggang sa susunod yung concerts ,invite nyo kami ulit.

BEAUTIFUL LIFE CELEBRATION, AWARDING CEREMONY A BIG SUCCESS !!!Nasaksihan din namin ang very successful award ceremony ng Beautiful Life Celebration na ang nag-invite sa amin ay sina Ms Sonia Bermejo at Monet Lu. Marami na dumating na awardees isa na nga dito sa Ms Vina Nacionales at na napakabait na tao.Dumating din at nag-crown ang America’s Favorite Dermatologist na si Dr. Tess Mauricio kasama rin na awardee si Dr James Lee. Man of the Year naman si Mr Nino Lim , owner ng Pacific Islander Market kasama ang dating actress na si Ms Krista Ranillo.



First time lang namin na makita si Krista in person at very accommodating siya, at pinayagan kami na mainterbyu namin siya at hindi lang yan.Naging guest pa namin siya sa aming radio show sa Radyo Filipino Amerika para sa One on One Interview namin sa kanya.Matagal na rin na hindi siya nakikita sa Pilipinas at lumalabas sa TV or Movie kaya nang makita ng mga ka-facebook namin sa Pilipinas ang mukha ni Krista ,gandang-ganda pa rin sila dito.


Matagal din namin siya nakausap sa aming radio show, mahigit 30 minutes na panayam namin sa kanya, at wala siyang arte sinagot lahat ang aming questions pero sa susunod na naming column ibabalita ang mga ibinato naming tanong sa kanya.Sa Omni Hotel sa Los Angeles ginawa ang event ,glamoroso talaga ang affair at congratulations din sa mga organizers.