Saturday, April 20, 2013

SINO ANG LOOK A LIKE NI CHARICE SI DANIEL PADILLA O GANGNAM STYLE ?


SINO ANG LOOK A LIKE NI CHARICE SI DANIEL O GANGNAM STYLE ???


                                  By   OGIE CRUZ

Usap-usapan ngayon at pinagtatalunan pa sa mga social networks  ang  bagong look ngayon ni Charice dahil sa kanyang hiphop at boyish  haircut na malayong malayo sa kanyang dating sweet image look. Maraming nagsasabi na ginagaya raw niya diumano ang hitsura ni Daniel Padilla pati ang pananamit nito.May nagsasabi naman na ka-look alike niya yung nagpasikat ng Gangnam Style from korea na si Psy Pelvic.

Pwes,nandyan ang picture ng tatlo ,kayo na ang humusga kung sino ba talaga ang kamukha ni Charice sa ngayon. Basta, isa lang ang masasabi,’yan ang Newly Improve Charice Version 2.0 ala Sarah Geronimo role.Laban kayo ?

Pumapasok pa rin rito ang pagbabago anyo ni Charice, dahil na rin sa kanyang sexsualidad sa ngayon.Marami nga ang nagsasabi na hindi nila gusto ngayon ang image na nakikita sa ngayon sa naturang singer.Batikos nga ng iba,malamlam na raw ang career ni Charice,kesyo bituing wala na raw ningning ito.

Totoo ,hindi na ganon kasikat si Charice ngayon,nakilala kasi siya sa kanyang sweet image pagkatapos biglang nagbago ng image at minsan pa, may pagkamayabang pa ito kung pumorma at magsalita kaya marahil marami ng dating fans niya na nawalan ng gana sa kanya.Anu ba ang nangyari kay BB Gandanghari, si Rustom Padilla pa rin ang hinahanap ng mga tao dahil doon nasanay ang mga tao na Makita ang ganong image?Si Vice Ganda naman, sikat na sikat pa rin kahit sabihin mong third sex ito, dahil doon siya nakilala ng tao.Ganon ang nangyari sa career ni Charice,hinahanap pa rin ng mga tao ang dating Charice Pempengco na pa-sweet image.Pero anu ang magagawa natin, buhay niya yun, siempre buntot niya hawak niya kung saan mang direksyon niya pumunta.

SARAH GERONIMO ,PINAGTANGGOL SI CHARICE !!!



Pinagtanggol naman ni Sarah Geronimo ang youtube sensation na si Charice tungkol sa pagtuglisa ng ilan tungkol sa bagong image ngayon ng naturang image.
Ang bastos naman daw ng iba para tirahin si Charice, dapat raw irespeto ang pagiging artist nito.Dapat raw pabayaan natin si Charice kung anuman ang gusto nitong gawin sa buhay niya,dahil hindi naman daw pag-aari ng ibang tao yun at tigilan na ang pag-question sa sexsuality nito.Dapat raw igalang ito dahil sa karangalan na ibinigay nito sa Pilipinas, sa musika at paggawa nito ng iInternational  Movie.

Samantala tuwang tuwa naman si Sarah dahil napansin pala ng CNN I Report ang pila sa movie niya with John Lloyd Cruz sa Los Angeles.Naging interesdo raw ang CNN I Report na makita nila na may pinipilahan na movie sa LA  kaya nabalita ito.Kaya ganon na lang ang pasasalamat ni Sarah sa mga taga-Amerika dahil sa suporta  sa movie, naka 330 Million na nga ito sa Pilipinas baka nga  magkaroon pa ito  ng part 4.

Sumisikat ng husto ngayon si Sarah,habang si Charice naman parang nawala sa limelight.Sayang, sila pa naman ang parang pinaglalaban noon sa kasikatan,kung sino ang dapat mauna sa name nila kapag nag-concert sila na magkasama.E ngayon, no doubt na si Sarah ang dapat mauna compare kay Charice.

DOLPHY NAGAGAMIT SA PULITIKA,KAHIT NAMAYAPA NA !!!


 Ayon sa balita ng aming kaibigan na si Jobert Sucaldito ng DZMM, may isang radio program raw sa Pilipinas pero hindi sa DZMM ay ineere na kung saan nagsasalita si Dolphy at iniinderso bilang Mayor ng Manila si Mayor Lim.

Dati pang political commercial ito ng komedyante  noong tumakbo si Mayor Lim at nanalo bilang Mayor ng Maynila pero bakit ngayon ginagamit pa rin ito, tanong ni Jobert Sucaldito.Alam kaya ni Mayor Lim ang tungkol dito ?Ang alam namin magkaibigan din sina Dolphy at Dating Pres. Erap na tumatakbo rin bilang Mayor ng Manila.

Sa ngayon isang monumento ni Dolphy ang ipinatayo sa Maynila ni Mayor Lim para sa achievement na nagawa ng komedyante na dinaluhan ng mga anak ng komedyante at pinasalamatan naman ni ZsaZsa Padilla ang tungkol dito.

Kayo anu sa palagay nyo,basta kami no comment kami sa monument na ito kahit sabihin pang taga-Maynila rin kami noon?At least pagkilala ito sa mga naambag ng komedyante sa mga manonood na taga-manila.

KRIS AQUINO,HINDI NA MAGRE-RESIGN !!!



Temporary leave na lang pala si Kris Aquino sa ABS CBN sa June,babalik din ito para harapin ang kanyang mga commitments sa naturang istasyon.

Sa June kasi wala eskwela si Bimby kaya sasamahan niya ito para magampanan niya ang pagiging ina nito at dadalin si Josh sa ibang bansa para sa Developmental Progress nito.
Totoo ang hula namin, hindi totoong iiwan ni Kris ang kanyang showbiz career lalo na sa TV, kontra sa sinabi niya noong March 21,2013  na very emotional pa siya at nagpapaalam para iwan ang kanyang mga shows sa TV.

Dati kasi nagpaalam na rin ‘yan at sa TFC Amerika na lang daw ito magtratrabaho kapag Presidente na ang kanyang nakakatandang kapatid na si Pres. Noynoy Aquino.Pwes!Anung nangyari ,di ba drawing lang ang lahat?


                                                

No comments: