PATUNGKOL SA PAGKANTA NI JESSICA NG NATIONAL ANTHEM :
"MUNTIK NA SIYANG PUMIYOK"-NOLI DECASTRO-
BY OGIE CRUZ
Last week kumanta pala si Jessica Sanchez ng U.S. National Anthem “The Star Spangled
Banner” sa White House with the President Barack Obama para sa 135th
Easter Egg Roll .Ayon sa balita niyakap pa raw ni Pres. Obama si Jessica dahil
sa galing na ipinakita nito sa pagkanta ng nasabing national anthem.
Siempre agad
itong naibalita sa Pilipinas via Tv Patrol last Tuesday, doon ipinakita kung
paano kinanta ng American Idol’s Winner ang nasabing piece.
After
ipinakita ang video sa Tv Patrol, nagkaroon ng side comment ang mga anchors.
Sabi ni Noli De Castro “Anung niyakap, e muntik na siya pumiyok”, sumagot naman
si Korina Sanchez “ Paniwalaan mo na niyakap siya, muntik na siyang pumiyok,”,
na parang umaayon naman ang Korina .
Parang kami rin mismo ,yun din ang naisip namin para
muntik na siyang pumiyok, ewan namin kung hindi lang maliwanag ang pagkarinig
namin. Pero I’m sure marami rin ang nakapanood ‘yun last Tuesday sa nasabing
news program sa TFC.
Pero sa
Bandila ng channel 2, ibang video na ang ipinakita nila kaya sa pagkanta ni
Jessica Sanchez sa National Anthem hindi na gaanong makikita roon ang portion
kung saan parang pipiyok si Jessica.Siguro iniba ang video sa Bandila compare
sa ipinakita nila sa Tv Patrol.
Mukhang
nagiging pamoso si Jessica sa pagkanta ng The Star Spangled Banner dito sa mga
event na malalaki dito sa Amerika.Ang tanong kailan naman kaya kakantahin niya
ang National Anthem ng Pilipinas ang “Lupang Hinirang”.Balita naming,babalik sa
Pilipinas si Ms. Sanchez para i-promote ang kanyang unang ni-record ng kanta
rito sa Amerika.
ROSANNA ROCES ,BINANTAAN ANG MEDIA !!! Last Friday maraming isinawalat si Rosanna Roces
tungkol nangyayari sa kanya noong biyernes santo sa Facebook,kesyo hindi raw
siya makapag relax dahil nasapak daw siya sa mukha ng kanyang anak , siko naman
daw ang iginanti niya sa anak.Pasalamat nga daw ang anak niya at wala raw itong
dalang baril,kungdi pareho raw silang nasa dyario kinabukasan.
May dinalang
babae si Onyok(Anak ni Osang) sa bahay nila doon nagsimula ang gulo,parang mas
kinampihan ng anak ang nobya kaysa sa Ina.Parang teleserye ang mga sinusulat sa
Facebook ni Rosanna kung anu ang susunod na mangyayari kahit kami nakaabang din
pero no comment kami .Naibalita ito sa lahat ng dyario sa Pilipinas at pati
yata sa channel 2, na kinainis ni Rosanna Roces at narito ang sabi niya sa
Facebook. “ “Sa mga press na tawag nang tawag…Pl slang usaping pamilya
ito…irespeto nyo naman..Hindi ito isyu na dapat nyong ilathala o pagkakitaan.
Para ano ,para saan ???Makakagulo lang
kayo sa mga isyung dapat kaming mag-ina
ang involve.Huwag nyo gamitin ang isyung ito sa pag-divert sa mga isyung
pumapatay sa bawat isa sa ating lahat.Yan ay ang mga nangyayaring katiwalian sa
pamahalaan at isyung lahat tayo ay pinahihirapan.Huwag nyong itulad ito kay
Kris Aquino na alam naman nating umaarte lang para pagtakpan ang katangahan ng
utol niyang ewan kung anung meron ang isipan.HINDI SHOWBIZ ANG ANAK KO AT
UMIIWAS NA AKO MATAGAL NA MAGPA-INTERVIEWKUNG WALANG WAWA DIN NAMAN ANG
PAG-UUSAPAN.Ang problema ng INA at ANAK ay di problema ng bayan, kaya
nakikiusap ako. Mag-isip.Talakayin at pag-usapan ang isyung nagbabaon sa ating
kahirapan. Spare us pls….para na lang sa NANAY ko,”.
Dinagdag pa
nga niya na sana raw ang isulat yung mga Pinoy na umaani ng awards sa ibang bansa,
tulad daw ni Ate Guy na tumanggap kamakailan ng Best Actress Trophy.
Pero kung
titignan nyo ang mga sinabi ni Osang, nadamay si Kris Aquino at pati ang
Presidente natin sa Pilipinas.
Kaso artista
siya, at popular pa rin hanggang sa ngayon kaya hindi maiiwasan na hindi
mabalita ang tungkol sa kanya ,lalo pa’t isiniwalat niya ito sa kanyang
Facebook.Siempre marami ang makakabasa,pati kami ay talagang naging interesado sa
nangyayari.Ewan namin kung kailan lalabas si Rosanna sa Tv tungkol sa isyung
ito.Pero isang bagay ang pinahanga kami ni Rosanna, sobrang tapang niya at
kahit physical pa ang labanan ,hindi uurong ang Rosanna Roces. Ang huling sulat
niya sa kanyang facebook,humingi na ng tawad ang kanyang anak sa kanya.
ARA MINA AT CRISTINE REYES,NAGKABATI NA !!! Isang magandang balita ito, at nagkabati na raw
ang halos isang taon ding magkaaway ng magkapatid na sina Ara Mina at Cristine
Reyes.
Iniurong na rin ang Libel case na isinampa ni Ara sa kanyang kapatid na si Cristine.Si Cristine daw ang unang humingi ng tawad noong biernes santo rin through text.Hindi raw sinagot ni Ara ang txt ng kapatid,sa Sabado De Gloria ito sumagot at pinapunta sa bahay at doon sila nagkita.Noong una, asiwa raw ang magkapatid ng magkita pero nagsalita raw ng Sorry si Cristine at umiiyak pa ito.Napaiyak na rin daw si Ate kaya pinatawad ang kapatid.
Last Sunday
raw nagkaroon ng dinner date ang pamilya kasama ang kanilang Nanay at ibang
kapatid na nakasamaan ng loob ni Cristine. Makikita nyo nga sa picture na kung
saan magkasama sina Ara at Cristine, apload ito sa Instagram account mismo ni
Cristine Reyes. Masaya na ang magkapatid , at totoong nagkabati na ang lahat .
Mabuti naman
at nagkabati na ang magkapatid , nangyari mismo sa pagdaan ng Holy Week.
ISANG MALAKING HAMON PARA KAY GOV. VILMA SANTOS !!!
Tapos na ang first indie film ng Star For All Seasons, isang hamon eto para sa kampo ng mga Noranians kung aani rin ito ng International Recognition sa mga film festival.
Abangan na lang natin kung anu ang mga susunod na mangyayari,pero tiyak mas kikita naman ito kaysa sa kinita ng "Thy Womb" ni Nora Aunor na nangulelat sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Sabi nga ng isang Vilmanian, si Vilma gumagawa ng film hindi para manalo lang ng award, kundi para bigyan ng kasiyahan ang mga manonood na matagal na niyang mga tagasubaybay sa mga movies na niyang nagawa.
ISANG MALAKING HAMON PARA KAY GOV. VILMA SANTOS !!!
Tapos na ang first indie film ng Star For All Seasons, isang hamon eto para sa kampo ng mga Noranians kung aani rin ito ng International Recognition sa mga film festival.
Abangan na lang natin kung anu ang mga susunod na mangyayari,pero tiyak mas kikita naman ito kaysa sa kinita ng "Thy Womb" ni Nora Aunor na nangulelat sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Sabi nga ng isang Vilmanian, si Vilma gumagawa ng film hindi para manalo lang ng award, kundi para bigyan ng kasiyahan ang mga manonood na matagal na niyang mga tagasubaybay sa mga movies na niyang nagawa.
No comments:
Post a Comment