Saturday, April 20, 2013

SINO ANG LOOK A LIKE NI CHARICE SI DANIEL PADILLA O GANGNAM STYLE ?


SINO ANG LOOK A LIKE NI CHARICE SI DANIEL O GANGNAM STYLE ???


                                  By   OGIE CRUZ

Usap-usapan ngayon at pinagtatalunan pa sa mga social networks  ang  bagong look ngayon ni Charice dahil sa kanyang hiphop at boyish  haircut na malayong malayo sa kanyang dating sweet image look. Maraming nagsasabi na ginagaya raw niya diumano ang hitsura ni Daniel Padilla pati ang pananamit nito.May nagsasabi naman na ka-look alike niya yung nagpasikat ng Gangnam Style from korea na si Psy Pelvic.

Pwes,nandyan ang picture ng tatlo ,kayo na ang humusga kung sino ba talaga ang kamukha ni Charice sa ngayon. Basta, isa lang ang masasabi,’yan ang Newly Improve Charice Version 2.0 ala Sarah Geronimo role.Laban kayo ?

Pumapasok pa rin rito ang pagbabago anyo ni Charice, dahil na rin sa kanyang sexsualidad sa ngayon.Marami nga ang nagsasabi na hindi nila gusto ngayon ang image na nakikita sa ngayon sa naturang singer.Batikos nga ng iba,malamlam na raw ang career ni Charice,kesyo bituing wala na raw ningning ito.

Totoo ,hindi na ganon kasikat si Charice ngayon,nakilala kasi siya sa kanyang sweet image pagkatapos biglang nagbago ng image at minsan pa, may pagkamayabang pa ito kung pumorma at magsalita kaya marahil marami ng dating fans niya na nawalan ng gana sa kanya.Anu ba ang nangyari kay BB Gandanghari, si Rustom Padilla pa rin ang hinahanap ng mga tao dahil doon nasanay ang mga tao na Makita ang ganong image?Si Vice Ganda naman, sikat na sikat pa rin kahit sabihin mong third sex ito, dahil doon siya nakilala ng tao.Ganon ang nangyari sa career ni Charice,hinahanap pa rin ng mga tao ang dating Charice Pempengco na pa-sweet image.Pero anu ang magagawa natin, buhay niya yun, siempre buntot niya hawak niya kung saan mang direksyon niya pumunta.

SARAH GERONIMO ,PINAGTANGGOL SI CHARICE !!!



Pinagtanggol naman ni Sarah Geronimo ang youtube sensation na si Charice tungkol sa pagtuglisa ng ilan tungkol sa bagong image ngayon ng naturang image.
Ang bastos naman daw ng iba para tirahin si Charice, dapat raw irespeto ang pagiging artist nito.Dapat raw pabayaan natin si Charice kung anuman ang gusto nitong gawin sa buhay niya,dahil hindi naman daw pag-aari ng ibang tao yun at tigilan na ang pag-question sa sexsuality nito.Dapat raw igalang ito dahil sa karangalan na ibinigay nito sa Pilipinas, sa musika at paggawa nito ng iInternational  Movie.

Samantala tuwang tuwa naman si Sarah dahil napansin pala ng CNN I Report ang pila sa movie niya with John Lloyd Cruz sa Los Angeles.Naging interesdo raw ang CNN I Report na makita nila na may pinipilahan na movie sa LA  kaya nabalita ito.Kaya ganon na lang ang pasasalamat ni Sarah sa mga taga-Amerika dahil sa suporta  sa movie, naka 330 Million na nga ito sa Pilipinas baka nga  magkaroon pa ito  ng part 4.

Sumisikat ng husto ngayon si Sarah,habang si Charice naman parang nawala sa limelight.Sayang, sila pa naman ang parang pinaglalaban noon sa kasikatan,kung sino ang dapat mauna sa name nila kapag nag-concert sila na magkasama.E ngayon, no doubt na si Sarah ang dapat mauna compare kay Charice.

DOLPHY NAGAGAMIT SA PULITIKA,KAHIT NAMAYAPA NA !!!


 Ayon sa balita ng aming kaibigan na si Jobert Sucaldito ng DZMM, may isang radio program raw sa Pilipinas pero hindi sa DZMM ay ineere na kung saan nagsasalita si Dolphy at iniinderso bilang Mayor ng Manila si Mayor Lim.

Dati pang political commercial ito ng komedyante  noong tumakbo si Mayor Lim at nanalo bilang Mayor ng Maynila pero bakit ngayon ginagamit pa rin ito, tanong ni Jobert Sucaldito.Alam kaya ni Mayor Lim ang tungkol dito ?Ang alam namin magkaibigan din sina Dolphy at Dating Pres. Erap na tumatakbo rin bilang Mayor ng Manila.

Sa ngayon isang monumento ni Dolphy ang ipinatayo sa Maynila ni Mayor Lim para sa achievement na nagawa ng komedyante na dinaluhan ng mga anak ng komedyante at pinasalamatan naman ni ZsaZsa Padilla ang tungkol dito.

Kayo anu sa palagay nyo,basta kami no comment kami sa monument na ito kahit sabihin pang taga-Maynila rin kami noon?At least pagkilala ito sa mga naambag ng komedyante sa mga manonood na taga-manila.

KRIS AQUINO,HINDI NA MAGRE-RESIGN !!!



Temporary leave na lang pala si Kris Aquino sa ABS CBN sa June,babalik din ito para harapin ang kanyang mga commitments sa naturang istasyon.

Sa June kasi wala eskwela si Bimby kaya sasamahan niya ito para magampanan niya ang pagiging ina nito at dadalin si Josh sa ibang bansa para sa Developmental Progress nito.
Totoo ang hula namin, hindi totoong iiwan ni Kris ang kanyang showbiz career lalo na sa TV, kontra sa sinabi niya noong March 21,2013  na very emotional pa siya at nagpapaalam para iwan ang kanyang mga shows sa TV.

Dati kasi nagpaalam na rin ‘yan at sa TFC Amerika na lang daw ito magtratrabaho kapag Presidente na ang kanyang nakakatandang kapatid na si Pres. Noynoy Aquino.Pwes!Anung nangyari ,di ba drawing lang ang lahat?


                                                

Sunday, April 14, 2013

PAGKANTA NI JESSICA NG US NATIONAL ANTHEM : MUNTIK NA SIYA PUMIYOK SABI NI NOLI DE CASTRO


PATUNGKOL SA PAGKANTA NI JESSICA NG NATIONAL ANTHEM :

       "MUNTIK NA SIYANG PUMIYOK"-NOLI DECASTRO-


                                      BY OGIE CRUZ

Last week kumanta pala si Jessica Sanchez ng U.S. National Anthem “The Star Spangled Banner” sa White House with the President Barack Obama para sa 135th Easter Egg Roll .Ayon sa balita niyakap pa raw ni Pres. Obama si Jessica dahil sa galing na ipinakita nito sa pagkanta ng nasabing national anthem.

Siempre agad itong naibalita sa Pilipinas via Tv Patrol last Tuesday, doon ipinakita kung paano kinanta ng American Idol’s Winner ang nasabing piece.


After ipinakita ang video sa Tv Patrol, nagkaroon ng side comment ang mga anchors. Sabi ni Noli De Castro “Anung niyakap, e muntik na siya pumiyok”, sumagot naman si Korina Sanchez “ Paniwalaan mo na niyakap siya, muntik na siyang pumiyok,”, na parang umaayon naman ang Korina .

Parang  kami rin mismo ,yun din ang naisip namin para muntik na siyang pumiyok, ewan namin kung hindi lang maliwanag ang pagkarinig namin. Pero I’m sure marami rin ang nakapanood ‘yun last Tuesday sa nasabing news program sa TFC.

Pero sa Bandila ng channel 2, ibang video na ang ipinakita nila kaya sa pagkanta ni Jessica Sanchez sa National Anthem hindi na gaanong makikita roon ang portion kung saan parang pipiyok si Jessica.Siguro iniba ang video sa Bandila compare sa ipinakita nila sa Tv Patrol.

Mukhang nagiging pamoso si Jessica sa pagkanta ng The Star Spangled Banner dito sa mga event na malalaki dito sa Amerika.Ang tanong kailan naman kaya kakantahin niya ang National Anthem ng Pilipinas ang “Lupang Hinirang”.Balita naming,babalik sa Pilipinas si Ms. Sanchez para i-promote ang kanyang unang ni-record ng kanta rito sa Amerika.

ROSANNA ROCES ,BINANTAAN ANG MEDIA !!! Last Friday maraming isinawalat si Rosanna Roces tungkol nangyayari sa kanya noong biyernes santo sa Facebook,kesyo hindi raw siya makapag relax dahil nasapak daw siya sa mukha ng kanyang anak , siko naman daw ang iginanti niya sa anak.Pasalamat nga daw ang anak niya at wala raw itong dalang baril,kungdi pareho raw silang nasa dyario kinabukasan.

May dinalang babae si Onyok(Anak ni Osang) sa bahay nila doon nagsimula ang gulo,parang mas kinampihan ng anak ang nobya kaysa sa Ina.Parang teleserye ang mga sinusulat sa Facebook ni Rosanna kung anu ang susunod na mangyayari kahit kami nakaabang din pero no comment kami .Naibalita ito sa lahat ng dyario sa Pilipinas at pati yata sa channel 2, na kinainis ni Rosanna Roces at narito ang sabi niya sa Facebook. “ “Sa mga press na tawag nang tawag…Pl slang usaping pamilya ito…irespeto nyo naman..Hindi ito isyu na dapat nyong ilathala o pagkakitaan. Para ano  ,para saan ???Makakagulo lang kayo sa mga isyung  dapat kaming mag-ina ang involve.Huwag nyo gamitin ang isyung ito sa pag-divert sa mga isyung pumapatay sa bawat isa sa ating lahat.Yan ay ang mga nangyayaring katiwalian sa pamahalaan at isyung lahat tayo ay pinahihirapan.Huwag nyong itulad ito kay Kris Aquino na alam naman nating umaarte lang para pagtakpan ang katangahan ng utol niyang ewan kung anung meron ang isipan.HINDI SHOWBIZ ANG ANAK KO AT UMIIWAS NA AKO MATAGAL NA MAGPA-INTERVIEWKUNG WALANG WAWA DIN NAMAN ANG PAG-UUSAPAN.Ang problema ng INA at ANAK ay di problema ng bayan, kaya nakikiusap ako. Mag-isip.Talakayin at pag-usapan ang isyung nagbabaon sa ating kahirapan. Spare us pls….para na lang sa NANAY ko,”.

Dinagdag pa nga niya na sana raw ang isulat yung mga Pinoy na umaani ng awards sa ibang bansa, tulad daw ni Ate Guy na tumanggap kamakailan ng Best Actress Trophy.

Pero kung titignan nyo ang mga sinabi ni Osang, nadamay si Kris Aquino at pati ang Presidente natin sa Pilipinas.

Kaso artista siya, at popular pa rin hanggang sa ngayon kaya hindi maiiwasan na hindi mabalita ang tungkol sa kanya ,lalo pa’t isiniwalat niya ito sa kanyang Facebook.Siempre marami ang makakabasa,pati kami  ay talagang naging interesado sa nangyayari.Ewan namin kung kailan lalabas si Rosanna sa Tv tungkol sa isyung ito.Pero isang bagay ang pinahanga kami ni Rosanna, sobrang tapang niya at kahit physical pa ang labanan ,hindi uurong ang Rosanna Roces. Ang huling sulat niya sa kanyang facebook,humingi na ng tawad ang kanyang anak sa kanya.

ARA MINA AT CRISTINE REYES,NAGKABATI NA !!! Isang magandang balita ito, at nagkabati na raw ang halos isang taon ding magkaaway ng magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes.

Iniurong na rin ang Libel case na isinampa ni Ara sa kanyang kapatid na si Cristine.Si Cristine daw ang unang humingi ng tawad noong biernes santo rin through text.Hindi raw sinagot ni Ara ang txt ng kapatid,sa Sabado De Gloria ito sumagot at pinapunta sa bahay at doon sila nagkita.Noong una, asiwa raw ang magkapatid ng magkita pero nagsalita raw ng Sorry si Cristine at umiiyak pa ito.Napaiyak na rin daw si Ate kaya pinatawad ang kapatid.

Last Sunday raw nagkaroon ng dinner date ang pamilya kasama ang kanilang Nanay at ibang kapatid na nakasamaan ng loob ni Cristine. Makikita nyo nga sa picture na kung saan magkasama sina Ara at Cristine, apload ito sa Instagram account mismo ni Cristine Reyes. Masaya na ang magkapatid , at totoong nagkabati na ang lahat .

Mabuti naman at nagkabati na ang magkapatid , nangyari mismo sa pagdaan ng Holy Week.

ISANG MALAKING HAMON PARA KAY GOV. VILMA SANTOS !!!
Tapos na ang first indie film ng Star For All Seasons, isang hamon eto para sa kampo ng mga Noranians kung aani rin ito ng International Recognition  sa mga film festival.


Abangan na lang natin kung anu ang mga susunod na mangyayari,pero tiyak mas kikita naman ito kaysa sa kinita ng "Thy Womb" ni Nora Aunor na nangulelat sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Sabi nga ng isang Vilmanian, si Vilma gumagawa ng film hindi para manalo lang ng award, kundi para bigyan ng kasiyahan ang mga manonood na matagal na niyang mga tagasubaybay sa mga movies na niyang nagawa.

Sa mga may question about our showbiz column,maaaring email nyo na lang ako sa ogie3844@yahoo.com at maraming salamat sa aming taga basa ng blog na ito...