LANDSLIDE VICTORY FOR GOV. VILMA SANTOS !!!
by OGIE CRUZ
Ngayon tapos
na ang election sa Pilipinas, marami na
rin ang nakahinga sa ating mga Pinoy na nandito sa Amerika.Siempre hindi
pahuhuli ang ating showbiz watcher column tungkol sa mga nanalong artista at
natalo.
Landslide
Victory ang re-electionist Batangas Governor Vilma Santos-Recto,sabi nga
inilampaso ng Star For All Seasons ang kanyang mga naging kalaban dahil mahigit
600,000 votes ang lamang niya. Eto na bale ang third time ni Ate Vi na maging
Governor ng Batangas, na ibig sabihin kuntento ang mga nasasakupan niya sa
kanyang pamamalakad.Kahit nga hindi pa tapos ang bilangan noon,naiproklama na
siya dahil sa laki ng lamang niya sa dalawa niyang kalaban .
Panalo naman
ang tag team nina Joseph Estrada at Isko Moreno bilang Mayor at Vice Mayor ng
Manila. Naging mainit ang labanan sa Maynila, dahil ang incumbent Mayor Lim ang
naging kalaban ni Erap.Grabe ang batuhan nila sa bawat isa, noong nangangapanya
pa sila, kaya naman inaabangan kung sino ng buong nasyon kung si Dirty Harry o
Asiong Salonga ang hahawag ng Manila City Hall.Tinanggap naman ni Mayor Lim ang
kanyang pagkatalo,kaya wala ring gulo after the election.Nanalo rin si Daniel
Fernando bilang Vice Gov. ng Bulacan, Angelica Jones re-electionist ng bukal ng
Laguna,Dingdong Avansado bilang Vice Gov. ng Siquijor.Jolo Revilla as vice Gov
ng Cavite. Hindi rin pahuhuli ang mag-asawang
Manny at Jinky Pacquiao bilang Congressman at Vice Gov. ng Saranggani
Province.Nanalo rin sa Election sina Alma Moreno, Herbert Bautista siempre
Mayor ng Quezon City,Rossele Nava, Roderick Paulate,Alfred Vargas, Jestoni
Alarcon at Lucy Torres.
Eto naman
ang mga hindi pinalad sa Election ang aming Ate Imelda Papin na tumakbong
congresswoman sa San Jose Del Monte,Richard Gomez, Shalani Soledad,Joey
Marquez,Annabelle Rama, Amay Bisaya na lagi namang natatalo,Dennis Padilla at
Christopher De Leon.
GRACE
POE,HUDYAT NA BA PARA PRESIDENTE NG PILIPINAS ???Marami ang nagulat sa lakas ng
ipinakita sa botohan ang pangalang Grace Poe ang anak ng namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando
Poe Jr At Ms. Susan Roces.Paano ba naman siya ang bumabandera slot no. 1 ng mga
Senadors na pumapasok sa top 12.Kahit nga ang dating MTRCB chairman hindi
makapaniwala ng top-notcher siya at ang
gusto lang niya ay makapasok sa Top 12 pero yun pala siya ang mangunguna.
Hindi talaga
makapaniwala ang Grace Poe sa lakas niya sa mga Pinoy ,wala nga raw
nakapag-predict na siya ang top-notcher sa senatorial Bet.Naging malaking
puhunan niya ang panganlan ni Da King at mga Tv ad commercials niya kung saan
kasama pa niya sa huli si Susan
Roces.Ipagpapatuloy niya ang hindi natapos ni FPJ, ibig ba sabihin nito isang
hudyat na ito na malamang tumakbo siyang Presidente sa mga susunod na election.
SI VICE
GANDA ANG NAGPANALO KAY NANCY BINAY !!! Dahil sa binira ni Vice Ganda si Nancy
Binay noong kainitan ng campaign ayan,naging pang-apat pa sa mga senatorial
winners anak ni Vice President Binay.
Kesyo wala
raw itong background sa paglilingkod sa bayan, at bigla na lang tatakbo bilang
senador,tira sa kanya ni Vice Ganda kaya tuloy pinag-usapan siya.
Naging
tampok pa siya sa mga social networking sites lalo na sa Facebook,lagi siyang
kinatutuwaan pero ang balita namin nag-react na siya.Ganon kasikat ang 20-yr old , kaya binoto siya ng
mga Pinoy at lalo pa siyang pinasikat ni Vice Ganda.Paano ba naman ayaw kasi
nitong umaten sa mga Debate sa Tv kaya tuloy pinagdudahan ang kanyang
kakayahan.Sino ang may kasalanan ngayon kung bakit pumasok siya sa 12 senators
noong last election.
TITA
SWARDING NAMAYAPA NA !!! Kahit kami nabigla sa biglang pagkamatay ng aming
kaibigan at hinahangaan kapag showbiz reporting sa radio ang pag-uusapan.
Namatay siya lang early Sunday May 12,phil time,namatay siya dahil komplikasyon
sa emphysema sa Quezon City General Hospital.
Ang alam
namin noon,nagpapalakas na lang siya dahil nilipat na siya sa isang room at
wala na sa ICU pero hindi pa rin niya nakayanan ang sakit kaya bimigay ito.
Isa siya na
langing binabati kami sa kanyang radio shows sa DZRH,DWSS at Pinoy Radio UK ni
Sonny Laragan, at takenote lagi niyang mention ang Asian Journal doon kaya
naman kahit hindi ito sa Pilipinas lumalabas, sikat na sikat ang newspaper na
ito.
Maraming
salamat sa pagpapahalaga sa amin Tita Swarding, at hindi ka namin makakalimutan
at maging mga naging kontribusyon niya sa showbiz.
SIR
CHIEF,SUPLADO ANG DATING SA CONCERT SA LOS ANGELES !!! Si Sir chief ang sikat
na sikat na personalidad sa teleserye ng channel 2 “ Be Careful With My Heart”
ay nagkaroon ng US Tour last Friday sa Shrine Auditorium.Siya si Richard Yap na
halos mayanig ang buong venue dahil sa katitili sa kanya, at takenote marami
pang mga seniors citizen na nanood ng concert tour.Nakakatakot pa nga yung
ibang seniors doon na nasa balcony place baka mahulog pa sila.Siya ang pinakasikat
sa lahat ng star doon kasama si Maya na ginagampanan ni Jodie Sta. Maria.
Napuna lang
naming,hindi siya bumaba sa stage para pasalamatan ang mga taong tumitili sa
kanya, buti pa si Maya bumaba.Suplado talaga ang dating ni Sir Yap, thunder na
kasi sabi ng isang reporter at hindi na maka-relate sa audience.
Basta
maraming salamat sa M Beauty by Dr. Tess na isa mga sponsors ng naturang
concert kaya kami napunta roon.Nakita rin namin doon si Atty. Erwin Bautista at
Ginger Bautista ng Americal Legal Center.
Box Office
hit ang naturang concert tour nina Sir Chief at Maya,kaya lang hindi na namin
sila nalapitan dahil sa dami ng tao at medyo mahigpit ang TFC o dahil ayaw rin
ni Sir Chief dahil paimportante ito.