Saturday, May 18, 2013

LANDSLIDE VICTORY FOR GOV. VILMA SANTOS  !!!

                                                 by  OGIE CRUZ

Ngayon tapos na ang election sa Pilipinas,  marami na rin ang nakahinga sa ating mga Pinoy na nandito sa Amerika.Siempre hindi pahuhuli ang ating showbiz watcher column tungkol sa mga nanalong artista at natalo.

Landslide Victory ang re-electionist Batangas Governor Vilma Santos-Recto,sabi nga inilampaso ng Star For All Seasons ang kanyang mga naging kalaban dahil mahigit 600,000 votes ang lamang niya. Eto na bale ang third time ni Ate Vi na maging Governor ng Batangas, na ibig sabihin kuntento ang mga nasasakupan niya sa kanyang pamamalakad.Kahit nga hindi pa tapos ang bilangan noon,naiproklama na siya dahil sa laki ng lamang niya sa dalawa niyang kalaban .

Panalo naman ang tag team nina Joseph Estrada at Isko Moreno bilang Mayor at Vice Mayor ng Manila. Naging mainit ang labanan sa Maynila, dahil ang incumbent Mayor Lim ang naging kalaban ni Erap.Grabe ang batuhan nila sa bawat isa, noong nangangapanya pa sila, kaya naman inaabangan kung sino ng buong nasyon kung si Dirty Harry o Asiong Salonga ang hahawag ng Manila City Hall.Tinanggap naman ni Mayor Lim ang kanyang pagkatalo,kaya wala ring gulo after the election.Nanalo rin si Daniel Fernando bilang Vice Gov. ng Bulacan, Angelica Jones re-electionist ng bukal ng Laguna,Dingdong Avansado bilang Vice Gov. ng Siquijor.Jolo Revilla as vice Gov ng Cavite. Hindi rin pahuhuli ang mag-asawang  Manny at Jinky Pacquiao bilang Congressman at Vice Gov. ng Saranggani Province.Nanalo rin sa Election sina Alma Moreno, Herbert Bautista siempre Mayor ng Quezon City,Rossele Nava, Roderick Paulate,Alfred Vargas, Jestoni Alarcon at Lucy Torres.

Eto naman ang mga hindi pinalad sa Election ang aming Ate Imelda Papin na tumakbong congresswoman sa San Jose Del Monte,Richard Gomez, Shalani Soledad,Joey Marquez,Annabelle Rama, Amay Bisaya na lagi namang natatalo,Dennis Padilla at Christopher De Leon.




GRACE POE,HUDYAT NA BA PARA PRESIDENTE NG PILIPINAS ???Marami ang nagulat sa lakas ng ipinakita sa botohan ang pangalang Grace Poe ang anak ng namayapang  Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr At Ms. Susan Roces.Paano ba naman siya ang bumabandera slot no. 1 ng mga Senadors na pumapasok sa top 12.Kahit nga ang dating MTRCB chairman hindi makapaniwala ng  top-notcher siya at ang gusto lang niya ay makapasok sa Top 12 pero yun pala siya ang mangunguna.

Hindi talaga makapaniwala ang Grace Poe sa lakas niya sa mga Pinoy ,wala nga raw nakapag-predict na siya ang top-notcher sa senatorial Bet.Naging malaking puhunan niya ang panganlan ni Da King at mga Tv ad commercials niya kung saan kasama pa niya sa huli  si Susan Roces.Ipagpapatuloy niya ang hindi natapos ni FPJ, ibig ba sabihin nito isang hudyat na ito na malamang tumakbo siyang Presidente sa mga susunod na election.






SI VICE GANDA ANG NAGPANALO KAY NANCY BINAY !!! Dahil sa binira ni Vice Ganda si Nancy Binay noong kainitan ng campaign ayan,naging pang-apat pa sa mga senatorial winners anak ni Vice President Binay.
Kesyo wala raw itong background sa paglilingkod sa bayan, at bigla na lang tatakbo bilang senador,tira sa kanya ni Vice Ganda kaya tuloy pinag-usapan siya.

Naging tampok pa siya sa mga social networking sites lalo na sa Facebook,lagi siyang kinatutuwaan pero ang balita namin nag-react na siya.Ganon  kasikat ang 20-yr old , kaya binoto siya ng mga Pinoy at lalo pa siyang pinasikat ni Vice Ganda.Paano ba naman ayaw kasi nitong umaten sa mga Debate sa Tv kaya tuloy pinagdudahan ang kanyang kakayahan.Sino ang may kasalanan ngayon kung bakit pumasok siya sa 12 senators noong  last election.



TITA SWARDING NAMAYAPA NA !!! Kahit kami nabigla sa biglang pagkamatay ng aming kaibigan at hinahangaan kapag showbiz reporting sa radio ang pag-uusapan. Namatay siya lang early Sunday May 12,phil time,namatay siya dahil komplikasyon sa emphysema sa Quezon City General Hospital.
Ang alam namin noon,nagpapalakas na lang siya dahil nilipat na siya sa isang room at wala na sa ICU pero hindi pa rin niya nakayanan ang sakit kaya bimigay ito.
Isa siya na langing binabati kami sa kanyang radio shows sa DZRH,DWSS at Pinoy Radio UK ni Sonny Laragan, at takenote lagi niyang mention ang Asian Journal doon kaya naman kahit hindi ito sa Pilipinas lumalabas, sikat na sikat ang newspaper na ito.
Maraming salamat sa pagpapahalaga sa amin Tita Swarding, at hindi ka namin makakalimutan at maging mga naging kontribusyon niya sa showbiz.







SIR CHIEF,SUPLADO ANG DATING SA CONCERT SA LOS ANGELES !!! Si Sir chief ang sikat na sikat na personalidad sa teleserye ng channel 2 “ Be Careful With My Heart” ay nagkaroon ng US Tour last Friday sa Shrine Auditorium.Siya si Richard Yap na halos mayanig ang buong venue dahil sa katitili sa kanya, at takenote marami pang mga seniors citizen na nanood ng concert tour.Nakakatakot pa nga yung ibang seniors doon na nasa balcony place baka mahulog pa sila.Siya ang pinakasikat sa lahat ng star doon kasama si Maya na ginagampanan ni Jodie Sta. Maria.
Napuna lang naming,hindi siya bumaba sa stage para pasalamatan ang mga taong tumitili sa kanya, buti pa si Maya bumaba.Suplado talaga ang dating ni Sir Yap, thunder na kasi sabi ng isang reporter at hindi na maka-relate sa audience.

Basta maraming salamat sa M Beauty by Dr. Tess na isa mga sponsors ng naturang concert kaya kami napunta roon.Nakita rin namin doon si Atty. Erwin Bautista at Ginger Bautista ng Americal Legal Center.
Box Office hit ang naturang concert tour nina Sir Chief at Maya,kaya lang hindi na namin sila nalapitan dahil sa dami ng tao at medyo mahigpit ang TFC o dahil ayaw rin ni Sir Chief dahil paimportante ito.